A. Pamagat - BULAG NA KWAGO
MAY AKDA- SADEQ HEDAYAT
Isinalin sa filipino ni Merceds DL Tulaylay
B. Kalinangan Workstet sa Filipino (wika at panitikan) para sa hayskul
Buod: Ito ay istorya ng isang lalake na mayroong itinatago sa kanyang kaloob-looban na hindi niya maipakita sa iba sapagkat walang kahit anong gamot o bagay na makakapagpawala sa kanyang dinaranas . Ang kanyang pagkababae sa kanyang kalooban ay pilit niyang tinatakasan subalit siya ay patuloy parin nilamon nito . Sa huli kahit mataksan niya ito babalik at babalik ang sakit ng katotohanan.
PAGSUSURI
A. URING PAMPANITIKAN
Maikling kwento ang ang bulag na kwago
Sapagkat ito ay mabilis natapos at hindi pa pinalawak ang istorya o ang buhay ng may akda.
C. MGA TAYUTAY
1-2
Ang mga na tayutay sa akda tulad ng hyperbole na todo todo ang pagkakalahad ng isang eksena sa akda
Metapora na naghahalintulad ng dalawang bagay na hindi gumagamit ng paningit.
D.
1. SARILING REAKSYON
Sa aking sariling pananaw ang may akda ay gumamit ng teoryang Sikolohikal sapagkat binibigyang diin nito ang gawi ng isang tauhan sa akda at ang tauhan sa akda ay yung mismong may akda rin at ang panghuli gumamit rin ang may akda ng imahe o simbolo sa kanyang akda kaya masasabi ko na ito ayb ginamitan ng teoryang sikolohikal.
2. MGA PANSIN AT PUNA
A. Ang napanisin ko sa pangunahing tauhan ay siya rin gumagawa ng ibang tauhan sa kanyang isipan samakatuwid kathang isip lang niya ang ibang tauhan sa akda
Ang pangunahing tauhan ay nagpakalunod sa kanyang sariling problema at hindi inisip kung anong magandang bagay ang nasa paligid niya.
B. Ang galaw ng pangyayari sa bulag na kwago ay nasa pangunahing tauhan lamang at sa kanyang malawak na imahinasyon na giangawa ng kaniyang isipan.
3. BISANG PAMPANITIKAN
A. Ang bisa sa isip nito ay dapat natin gawin ang lagi ang tama at huwag magpakababaw sa bagay bagay.
B. Ang bisa sa damdamin ay dapat natin mahalin at pakahalagahan ang mga bagay bagay sa ating paligid at huwag masyadong bigyang pansin ang kadiliman sa ating buhay.
C. Ang bisa sa kaasalan matututunan niyo dito ang tamang pakikisama sa mga taong nahihirapan sa buhay at kapag kayo naman ang nalulungkot huwag magpakalunod sa kahit anong pagsubok na kinakaharap.
D. Ang bisa sa lipunan matututunan natin rito na hindi dapat natin saktan , ikahiya , o ipang walang bahala ang mga taong iba ang kasarian sapagkat ang isang maliit na kabutihan na ginawa mo sa kanila ay malaking bagay na iyon sa katulad nila.
Ilagay ang iyong komento...
TumugonBurahin