RUMI : MGA TULA NG PAGIBIG
Halaw sa Divan-i-shams-i Tabirz
Isinalin sa filipino ni Mercedes Tulaylay
Buod :
Ang ibig sabihin lang nito ang pangunahing tauhan sa kwento ay pilit na binabago ang kanyang sarili at patuloy parin siya sa pagtuklas ng mga bagay-bagay hangang sa siya ay yumabong at tumuklas ng panibagong katauhan sa kanyang sarili ginawa ito ng pangunahing tauhan sa akda upang maipakita niya kung gaano niya kamahal ang Diyos at kung gaano niya gustong payamanin ang binigay sa kanya ng Diyos.
A. URING PAMPANITIKAN
Ito ay isang uri ng tula sapagkat bukod sa paggamit ng malalalim na salita ng may akda ay inilagay pa niya sa malalim na kahulugan ang kanyang isinulat na akda.
B. MGA TAYUTAY
Kung hindi ako magkakamali ang may akda ay gumamit na metapora ipinakita niya sa akda ang "anghel na kaluluwa" hyperbole sapagkat ipinakita niya ang mga malalalang sitwasyon subalit ito'y simpleng eksena lamang sa buhay at pang huli gumamit ang may akda ng tanong na retorikal "kakulangan ba ang aking pagkamatay?" Na nagpapakita ng tanong retorikal.
C. SARILING REAKSYON
1. Ang ginamit na teorya dito ay ang teoryang humanismo Sapagkat ito ay sumasalamin sa tao at ang pagmamahal nito sa panginoon na kanyang pinapaniwalaan.
2. Ang tauhan sa akda o ang persona ay isang tao na gustong maibalik ang lahat na kabutihan na binigay sa kanya ng Diyos.
Ang tauhan din ay patuloy na pinapalago ang kanyang sarili para sa masmakabuluhang bagay.
Ang galaw ng pangyayari sa akda ay nangyayari din sa tunay na buhay ng karamihan sa ating mga tao tulad ng persona dito ipinakita niya kung paano niya pinayabong ang kaniyang sarili.
3.Bisang pampanitikan
A. Bisa sa isip ng akda ay dapat natin pahalagahan kung ano ang kaya nating gawin para sa mas nakakabuti.
B. Ang bisang damdamin pagpakita ng lakas na loob at determinasyon sa bawat panahon ng kaniyang buhay ay nagbibigay buhay sa ating mga damdamin
C. Ang bisa sa kaasalan ay pinakita saatin na tayong lahat ay pwedeng magbago ang ugali kung may tama lang na disiplina at determinasyon sa mga sarili.
D. Ang bisa nito sa lipunan ay matuto tayong lahat na magkaisa o bigyang pansin natin ang bawat isa sa bawat aksyon na ating gagawin para sa mas ikakabuti ng lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento